Thursday 25 October 2012

My thoughts. Me best friend. My worst enemy.

Hindi ko binalak balikan ang nakaraan. Pero minsan hindi naiiwasan kahit pilit mo pang kalimutan, hindi maikakaila na naging bahagi na ito ng aking buhay. Alam kong wala dapat akong pagsisihan dahil ang importante sa akin ay ang ngayon at ang mangyayari bukas. Hindi sinasadyang bisitahin ko ang kanyang fb profile, hindi ko sya friend. Hindi nga ba sinadya? Ok siguro nga sinadya. Na-curious lang ako sa kung anong buhay na ang meron sya ngayon. Ok naman. Maganda. Masagana. Masaya naman ata sya. Siguro may konting inggit akong naramdaman. O galit. Hindi ko mawari. Hindi ko na matandaan ang nangyari sa amin nung nakaraan. Kung nag-away ba kami o basta na lang hindi nagpansinan. Sinubukan ko syang i-add sa fb pero hindi nya tinanggap. Ah ok, may galit o sadyang mataas na sya ngayon hindi na ma-reach. Ok fine. Eh di wag. Mabubuhay naman ako ng walang connection sayo. Tingnan na lang natin kung hindi mo ako kailanganin balang araw. Mayaman na kasi kau at kami andito lang. Pero ikaw paalis ka na jan sa kasaganaan, at padausdos ka na pababa, sa isang banda magkikita tau habang ikaw ay pababa at ako ay paakyat. Magngitian na lang tau dun sa meeting place na yun, mag-ngitiang aso. Wala lang. Naisip ko lang.

Sunday 21 October 2012

Ano na ba?

Ang dami kong gustong isulat. Oo promise madami talaga. Kaso hindi ko na alam kung san ko sisimulan.

Monday 27 August 2012

Iyak

Isang oras na pala akong nakakulong sa banyo at hindi ko na maitago ang mugto ng mga mata kong kanina pa pinipigilan ang pagtulo ng luha. Hindi ko kasi kinaya yung storya ng kaibigan kong si ate Riza. I won't go into details about her painful life story as a respect to her privacy. Nararamdaman ko lang na may tinig na tumatawag sa akin at sinasabing kelangan meron akong gawin para sa mga problema nya. Nakilala ko si ate Riza nung bago pa lang ako sa trabaho, inutusan sya ng amo nya dito sa botika at nagulat sya nung malaman na may Filipina na pala dito. Kaya nagtanong na din sya ng kung anong pwede nyang ipainom sa apo nya na nahihirapan dumumi, binigyan ko sya ng mga payo tungkol sa diet ng bata at para maibsan ang paghihirap nya sa pagdumi. Two weeks after our meeting, nanganak pala yung anak nya pero after two months na ulit kami nagkita nung pumunta ulit sya sa botika para magtanong ng colostomy bag. Namukhaan ko sya at kinumusta ko yung apo nya, ok naman daw. Tapos kinuwento nya na yung bagong apo nya. Pinanganak si Suri na nakalabas ang mga bituka, walang butas ang pwet at walang sex organ kaya hindi malaman kung lalaki o babae sya. Kinailangan kaaga syang operahan sa murang edad para lagyan sya ng butas para makalabas ang dumi sa katawan nya at para iayos ang mga bituka nya. Kelangan pa nyang sumailalim sa operasyon para iayos ang mga organs at i-maintain ang health nya. At pagkatapos ng 10 years kelangan pa rin syang operahan para magkaroon sya ng menstruation. Hindi ko alam kung anong pwede kong gawin pero alam kong meron dapat akong gawin. Noong ako ang nangailangan ng tulong, there were generous souls who helped me with prayers and with my financial needs to help me recover from the ailment and here is my turn to pay back those people with golden hearts who did not hesitate to help me. My own effort will not be enough, I know I will have to ask help from others. For now, prayers is all I can offer to baby Suri. I am asking all my friends for prayers, for her fast recovery and successful operations, may all the doctors who will handle her be blessed with hands and knowledge to save her life when they do the procedure this November.

Sunday 4 March 2012

Newsletter daw

Ang hirap namang mag-isip ng paksa. Hindi naman talaga ako manunulat pero bakit ako nagsa-suffer ngayon sa tinatawag nilang writer's block? Ako kasi ang inatasan na gumawa ng newsletter para sa kompanya namin. Paano ko ba ito sisimulan? Kelan ba akong huling sumulat ng formal? Noong highschool pa yata ako, mahigit labinlimang taon na ang nakaraan, ni hindi ko matandaan ang pamagat o kahit man lang yung pamagat ng school organ namin noon. Tapos andami ko pang dapat matutunan sa trabaho. Ganun talaga. Eto na ang buhay ko ngayon. Kelangan kong panindigan.

Pagbabago

Madami man ang kamalian sa simula, dito tayo natututo. Hindi madali ang makibagay sa bagong paligid, pero sa tamang oras at panahon, masasanay din tayo. Magandang umaga Macau!

Sunday 5 February 2012

My facebook status today

God gives every bird its food but He doesn't throw it into its nest. I came across this status from a friend or from a fan page maybe, I don't really remember. Well, based on my experience, my parents and relatives are a good provider of my needs. That maybe is the reason why during the past, I really did not work hard to get what I wanted. It felt so good to waste resources that I used to have, resources that I did not work hard for, those that were given to me for free. Too late when I realized that I had wasted too much money and time. But at least it is not too late to start anew. That is why here I am, committing my self to work harder and prove the world that I deserve everything that I own right now.